Upcoming Season 20 & Economic Balancing Adjustments [FILIPINO]
Mga Importanteng Highlights
Wala nang SLP na pwedeng kitain sa Adventure mode (from 50 to 0). Kasama sa mawawala dito ay ang ‘first time completion’ sa mga ruins.
Aalisin narin ang Daily quest SLP (from 25 to 0)
Babaguhin na ang Arena reward structure—bababa ang SLP rewards, habang tataasan naman ang AXS leaderboard rewards
Maaari na ulit mag-earn ng SLP ang mga 800 MMR below. Magkakaroon ng 1 SLP reward kada panalo. Mabibigyan nito ng pagkakataon na mag-earn parin ng rewards ang mga players na may mahihinang Axies.
Pinagpaplanuhan naming i re-work ang energy system sa Axie Infinity. Possible na magkaroon ng mas madaming energy kapag magdadagdag ng Axies. Magbibigay ito ng karagdagang utility sa mga mas mahihinang Axies. (Paalala: Hindi pa ito implemented)
Malapit na ang Season 20 at sa pag-release nito, maraming mahalagang economic balancing changes ang ipapatupad.
The State Of Our Digital Nation
Ang mission namin sa Axie Infinity ay makagawa ng engaging, masaya, at rewarding game experiences para sa lahat. Naniniwala kami na ito ay maaaring matupad sa pamamagitan ng open at decentralized na mga pundasyon na nag-bibigay ng oportunidad sa lahat ng players na makapag contribute at makapag bigay ng mga opinyon at ideya para sa kapakanan ng community.
Sa Axie Infinity, na experience na natin ang mga mabubuting dulot ng growth ng game—kasama dito ang pagiging masigla ng economy natin. Ngayon, tayo ay kasulukuyang dumaranas ng down-market at economic uncertainty. Alam namin na naging mahirap ito para sa karamihan nitong mga nakaraang buwan…
Para tuluyang gumanda at sumigla ang economy ng Axie Infinity, magiging mahalagang bahagi ang community at ang pag-create ng balance sa contribusyon ng bawa’t isa. Sa madaling salita—creating more value than we consume; o giving more than we take.
Noong January 4, nag release kami ng Dev Journal tungkol sa Economic Balancing. Sinaad namin doon ang tatlong (3) goals:
Makagawa ng framework para sa usaping pang-ekonomiya sa loob ng community
Ma-prepare ang community para sa parating na economic changes.
Makahingi ng feedback at input mula sa mga community members.
Nabanggit namin sa post na ‘yon ang inflation ng SLP (Smooth Love Potion). Sa kasalukuyan, napakataas ng minting ng SLP—halos 4X na mas mataas ang nagagawa na SLP kesa sa nab-burn through breeding. May mismatch kasalukuyan sa supply at demand ng SLP.
May mga plano kami na mag introduce ng bagong burning mechanisms sa future… Pero sa kasalukuyan, may mga inaaral kami na strategies para sa pagbaba ng issuance ng SLP para mabalance ang ating economy.
Maraming magagandang feedback at suhestyon ang binigay ng community noong nakaraang Dev Update. Ni-review namin ang mga proposal ng community members at inaral ang mga datos… Ito ang aming naging gabay sa pag-desisyon ng mga sumusunod na economic balancing changes.
Elimination of Adventure Mode and Daily Quest Rewards (Pag-Alis ng SLP Rewards sa Adventure at Daily Quest)
Ang photo sa baba ay ang pinaka-recent na SLP mint rates sa kasalukuyang Battles experience sa Axie Infinity.
Makikita dito na 40% ng SLP supply ay nanggagaling sa Adventure mode at 44% naman ang mula sa PVP. 16% naman ay nanggagaling sa Daily Quest.
Halos pantay ang rewards sa Adventure mode at PVP—which is hindi pasok sa vision at principles na patuloy na magpapaunlad sa Axie Infinity.
Naniniwala kami sa mga prinsipyo na ito:
Ang in-game rewards ay dapat mapunta sa mga tao na may kontribusyon sa mga social activities na nakakatulong sa pag improve ng ating Axie ecosystem
Ang In-game rewards ay DAPAT mabigay bilang resulta ng skilled activity o gameplay sa ecosystem.
Ito ang mga makakatulong sa atin na makapag-latag ng magandang future para sa Axie, na kung saan ang ating mga in-game tokens ay may real value.
Bilang unang aksyon sa pag stabilize ng economy, tinatanggal namin ang 50 SLP daily na dating pwedeng ma-earn sa Adventure mode. Ang desisyon na ‘to ay makakapagbawas ng halos 130 million SLP minted per day.
Ginawa namin ang adventure mode para maging tutorial sa mga new players na naguumpisa sa Axie. Sa ngayon, hindi na aligned ang earnings sa Adventure mode dahil mas mahalaga para sa ating economy ang pag incentivize ng mga skilled players sa arena. Kapag maraming players ang nag q-queue sa arena, mas gumaganda ang ating matchmaking. Naniniwala kami na mahalagang i-reward ang “player liquidity” na ‘ito.
Daily Quest
Masyadong maraming SLP ang na-mimint sa Daily Quest. Sa kasalukuyan, halos pantay ang SLP issuance mula sa Daily Quest at ang current daily SLP burn natin. Clearly, hindi sustainable ito.
Ang unang purpose ng daily quest ay ang ma-encourage ang mga players na maglaro araw-araw. Pero sa ngayon, masyado nang maraming SLP ang nami-mint mula sa simpleng mechanism ng Daily Quest.
Sa pag-tanggal ng rewards sa Daily Quest, makakapag-bawas tayo ng halos 45 million SLP minted per day. Hindi ibig sabihin nito ay wala nang magiging quests sa future. Sa katunayan, gusto rin namin mag introduce ng mga panibagong quest mechanisms sa Axie Origin. Pero ito ay mangyayari lamang, kasabay ng mga bagong burn mechanisms sa future.
Alam naming hindi madali ito… Sa katunayan, maraming mahihirapan at masasaktan sa desisyon na ‘ito. Pero, naniniwala kami na kinakailangan natin gawin ito para maging mas malakas pa ang ating economy. Pinipili namin gawin ito para hindi magkaroon ng permanent economic collapse—dahil mas magiging malala yun kapag nagkataon.
Revamped PVP Rewards Structure (Pagbabago sa SLP Rewards sa Arena/PVP)
Bukod sa Adventure at Daily Quest rewards, inaral din namin ang SLP rewards sa Arena / PVP…
Tingnan natin sa photo sa baba ang arena leaderboard at ang pillar ng Axie Infinity, AXS. Noong Season 19, nag-bigay kami ng halos 3,000 AXS sa top 1,000 players on the leaderboard. Napakaliit na amount nito kung ikukumpara sa 1.5 million AXS rewards na dinidistribute buwan buwan sa mga nag-sstake. Kasama narin ang millions of AXS per quarter na budget natin para sa gaming rewards allocation.
Sadya naming hindi ibinubuhos ang maximum AXS rewards dahil naniniwala kami na mas maganda yun gawin kapag mas polished na ang Axie Infinity game at ready na ito para sa mainstream adoption. Pero, dahil sa mga nangyayari sa ating economy ngayon, kami ay nag-desisyon na baguhin ang AXS rewards issuance para sa PVP:
Para sa Season 20, inexpand na namin ang leaderboard slots to 300,000 at dinagdagan namin ang AXS allocation to 117,676 total. Ito ay makakatulong sa pagpapalago ng competitive scene sa Axie Infinity at mag-ccreate ng demand para sa mga malalakas at high-quality meta Axies sa marketplace.
Ang total AXS prize pool natin ngayong Season 20 ay equivalent to $6,000,000 (six million)!
Ang changes na ‘to ay makakatulong sa pag-adjust namin sa Arena SLP rewards. Magiging apektado ang mga higher MMR sa pagbaba ng SLP rewards, pero sila rin ang pinaka-makikinabang sa potential AXS rewards na mas malaki rin kumpara sa previous seasons.
Ibabalik narin namin ang 1 SLP earning per win sa mga players below 800 MMR. Ito ay magbibigay ng karagdagang utility para sa mga mas mahihinang Axies, at makakapag-encourage sa mga players na makapag-practice at ma improve ang kanilang skills.
May mga improvements narin sa aming bot detection system kaya nasa tamang panahon na na maibalik ang rewards para sa mga nasa lower MMR.
Bagong Breakdown:
0-999 – 1 SLP per win
1000-1099 – 3 SLP per win
1100-1299 – 6 --> 5 SLP per win (Rank default)
1300-1499 – 9 --> 6 SLP per win
1500-1799 – 12 --> 8 SLP per win
1800-1999 – 15 --> 10 SLP per win
2000+ - 18 --> 12 SLP per win
Increasing Burn (Pag introduce ng mga bagong burning mechanisms)
As discussed sa Dev Update last month, ang plano namin ay long-term, magkaroon ng mga burning mechanisms at iba pang economic sinks na makakapag-improve ng both fun gameplay at economy ng Axie Infinity.
Ito ang mga future plans namin:
Special cosmetics and skins
Upgraded Axie body parts
In-game emojis
Breeding events
Buy-in tournaments
Axie naming
Halimbawa—isa sa mga parating na token sinks natin na lalabas sa Origin ay ang system ng pag craft ng mga power-ups na magpapalakas sa mga Axies.
Maaaring nagtataka ka kung bakit hindi pa namin nire-release ang feature na ito ngayon… Sa katunayan, kahit kami mismo na may mga Axies rin—naghihintay na since 2018 para sa Axie upgrading.
Ang sagot dito ay ang desisyon namin na i-prioritize ang pag-grow ng user-base at pag-onboard ng millions of players. Kung hindi namin ito ginawa, maaari na hindi ganito kalaki ang Axie Infinity game sa ngayon. Imbis na halos 3M players, maaaring nasa ilang libo lang ang naglalaro ng Axie kung hindi namin na-prioritize ang growth at onboarding.
Ang mission namin sa Axie Infinity ay makapag onboard ng billions of gamers sa web3—at mabago ang future of the internet.
Sa patuloy na pag-improve ng Axie Infinity gameplay na kung saan ramdam namin na handa na ito para sa mass adoption at pag-attract ng mga traditional gamers, i-rroll out na namin ang mga features tulad ng Axie power-ups and part upgrades. Ito ay magsisilbing importanteng bahagi ng Axie Infinity journey niyo dahil magkakaroon na ng vertical progression para sa mga Axies.
Medyo komplikado ang proseso ng pag-roll out ng mga features na ito. Pero ito ang rough summary ng aming proseso para sa inyong kaalaman:
Feature is designed and refined by the game product team and game design teams.
Requirements are delivered to the art team for implementation.
The art team works to make something magical.
Finished artwork is delivered to the game engineering and UX (user experience) team for implementation.
Engineers execute and seamlessly integrate the completed feature.
Ang mga features na ito, kahit ang mga mukhang simple o small updates ay pwede ring umabot ng ilang buwan bago ma-release.
Energy Re-Work (Possibleng pagbabago ng Energy System)
Isang isyu na maaring lumabas sa pag-alis ng Adventure rewards ay mababawasan ang utility ng mga non-PVP Axies. Pero, paano kung may iba pang paraan para patuloy na magka-utility ang mga Axies na ito kahit hindi sila malakas sa arena?
Sa ngayon, hindi gano ka pulido ang ating energy system. May incentives para sa mga players na mag upgrade to 10 or 20 Axies, pero kung iisipin, mas efficient pa sa energy kapag may 9 Axies na distributed sa tatlong account (scholars).
Plano namin ayusin ito at gawing mas-scalable ang energy system. Pwede kaming mag-add ng mga energy tiers kada dagdag na Axie sa account. Makaka-iwas din ito sa issue ng multi-accounting dahil mas maraming incentives na maglaro gamit lang ang isang account na may maximum energy. Magkakaroon din ng karagdagang utility ang mga floor Axies na mas affordable (sa current market value), na pwede ring bilhin ng mga players na gusto ng mas maraming energy.
IMPORTANT: Hindi pa implemented ang energy system rework na ito. This will take time sa engineering (development) side, pero kasalukuyan na naming pinupush ‘to internally. Bagamat hindi pa ‘to final, may posibilidad na magkaroon ng energy rework soon. Sa ngayon, binabahagi muna namin sainyo ang mga plano na ito, para may idea narin kayo kapag na-implement na ‘to.
The Future
Ang mga changes o pagbabago na 'ito ay makakatulong sa pag-ayos ng ating in-game economy. Bukod dito, alam namin na napakahalaga na magkaroon tayo ng new burning mechanisms this year, at ito ay priority rin namin.
Ang pagbabawas ng SLP issuance ay hindi magiging magic pill sa pagpapaganda ng ating economy, pero ito ay importanteng hakbang para tuluyan tayong makabuo ng fully-functioning at sustainable na economy.
Kapag lumabas na ang Axie Origin, mas magiging importante na ma-share namin sainyo ang roadmap sa mga parating na features at economic sinks. Abangan niyo ang mga future updates dito.
Gusto rin naming pasalamatan at bigyan ng shoutout sina AK, JDHyper, DefiVader, DAVEvsAXIE, at ang iba pang community members na tumulong sa pagbibigay ng ideas para sa economic improvements natin.