Mga Importanteng Detalye:
Ang Origins Season ay may halos 85M PHP in AXS rewards—ito na ang pinakamalaking leaderboard prize pool sa buong history ng Axie Infinity! Meron din tayong new sticker at 2 avatars na kasama sa pa-premyo.
Tatagal ng 62 days ang Season 1
Na-adjust narin ang disenchanting, crafting recipes, at rank reward/crafting progression base sa feedback at data na na-kolekta namin noong Season 0.
Mayroon na tayong ‘Rock, Paper, Scissors’ mechanic sa umpisa ng bawat laban. Ang mananalo dito ang pipili kung sino ang mauunang turn sa battle.
Lahat ng Season 0 Runes and Charms ay EXPIRED na. Hintaying matapos ang maintenance bago mag disenchant para sa Moonshards.
Magkakaroon tayo ng isang balance patch para sa Season 1. Dadating ang patch na ito in ~2 weeks.
Season 1 Leaderboard Rewards
Halos doble ng Season 0 ang ating leaderboard rewards ngayon para sa Season 1. 112000 AXS ang ating total prizing. Ang first place sa leaderboard ay mananalo ng mahigit 90,000 USD o 5M pesos!
Mas marami narin ang mananalo ngayon sa leaderboards—up to 40,000 players na ang pede manalo, kumpara last season na 20,000. Pinakinggan din namin ang feedback ng community tungkol sa distribution ng leaderboard prizing.
Good luck sa lahat ng mag-ggrind this Season!
Bukod sa AXS prizes, meron din tayong bagong sticker at 2 avatar prizes!
Lahat ng player na aabot sa Chick 1 ay makakakuha ng “GG” sticker featuring Puffy!
Top 20,000 players naman sa leaderboard ang makakakuha ng plant-Axie avatar na ito!
At ang top 1,000 players naman sa leaderboard ang makakakuha ng Pomodoro avatar border (Pomodoro ang pangalan ng Axie na ito). Parang sa Warcraft 3 at iba pang laro na importante ang avatar para malaman ang rank ng players, magsisilbi rin ang avatar na ito na expression at proof ng iyong ranking sa Axie Infinity.
Progression Changes
May key updates din tayo sa crafting at rank up progression system.
Una, habang umaangat ang crafting levels pwedeng mag-earn ng special chest, kumpara dati na specific rune or charm ang binibigay. Pag binuksan mo ang chest, pwede ka makapili sa mga runes/charms doon. Ang Charm/Rune na ito ay magiging ‘Sealed’, meaning hindi pwede ma-mint as an NFT.
Na-adjust narin namin ang rank-up rewards, para ma-tune din ang Mystic Rune/Charm supply.
Disenchanting Changes
Disenchanting runes/charms mula sa previous season ay mas onti na ang moonshards na makukuha. Pero, disenchanting runes/charms na active parin DURING the season ay angbibigay parin ng same moonshards tulad ng dati. Basahin sa baba ang full details.
Crafting Changes
Sa Season 1, magkakaroon na tayo ng mas mahabang 60-day season, na makakaapekto sa pacing at progression sa leaderboard. Gusto namin na makapag-unlock ang mga players ng Epic Runes/Charms sa mas maagang panahon, at ma-delay naman ang mga pag-labas ng Mystic runes/Charms para mas ramdam ang rarity at pagkahirap nito na makuha. Mas magiging maganda rin at balanced ang meta kapag ganito ang runes and charm rollout.
Ito ang quick overview ng mga major changes:
Utility Sockets open earlier
Advanced Crafting unlocks earlier and increases epic chance, but no longer gives a chance to craft Mystic
Mystic Crafting unlocks later in the new “Master” recipe
SLP cost of all “Ronin B” recipes has been increased by 25%
Paalala: Lahat ng NFT Runes/Charms ay kailangan parin maghintay ng 168 hours bago ma-mint sa Ronin.
Balancing
Based sa data na nakuha namin mula sa S0, at sa AxieCon Origin BYOD tournament, pati narin sa feedback ng karamihan sa community, nag-desisyon kami na magkaroon ng balancing patch para ma-siguro na exciting ang magiging Season 1 natin.
Plano namin i-deploy ang patch na ito in 2 weeks. Gusto namin na mag-umpisa na agad tayo sa Season 1 pagkatapos ng AxieCon, kaya hindi na nagkaroon ng oras na ma-deploy ang patch during off-season. Pero naniniwala kami na ang 2-weeks notice ay sapat narin para mapag-handaan niyo ang mga magiging marketplace activities niyo para sa Season 1. Ang patch na ito ang magiging huling balancing patch para sa season 1 (pero kung may mga bagong bugs at game-breaking issues na ma-diskobre, aayusin parin namin ito).
Alam namin na ang announcement na ito ay nag co-conflict sa una naming nabanggit na hindi magkakaroon ng balancing in the middle of a season starting with Season 1, pero dahil sa circumstances at feedback ng community, naniniwala kami na kailangan namin maging flexible sa sitwasyon na ito para mas maging diverse ang meta ngayong Season 1 kumpara sa Season 0.
RPS (Rock-Paper-Scissors Mechanic)
Mayroon na tayong ‘Rock, Paper, Scissors’ mechanic sa umpisa ng bawat laban. Ang mananalo dito ang pipili kung sino ang mauunang turn sa battle. Ang feature na ito ay kagaya rin ng ibang card games na kinalakihan natin—kaya naman magsisilbi itong fun twist sa ating battles ngayon!
New Origins Roadmap
Tulad ng ni-reveal sa AxieCon, ang Origins roadmap ay sagana sa mga contests, accessories, at Axie upgrading na kasalukuyang nasa design/development stages. Gusto namin magbigay ng updated roadmap para ma-review niyo rin, habang tayo ay papasok na sa Season 1!
Onto Season 1!
Gusto naming pasalamatan ang buong Axie community, ang BEST community sa Web3, para sa lahat ng energy at contributions na dinala ninyo sa ating digital nation. Ituloy natin ang pag-share ng Axie sa ating mga kaibigan at pamilya.
Ito ang mga paraan para magawa ito:
Creating video content
Tweeting about Season 1
Building Origins tools and Axie fansites
Helping out in Discord
Giving feedback
Onboarding friends and family
Joining the Creator Program
Applying to become an Axie contributor
Applying for the Builder’s program
+ marami pang iba!
Tara! Kita-kits sa arena!