Isang malaking hakbang patungo sa walang katapusang experiences para sa ating mga Axies ang ating tatahakin ngayong araw!
Nandito na ang Axie Infinity: Raylights, ang aming unang land mini-game na pwedeng laruin ng lahat ng Axie land owners!
Pwede kang mag farm ng minerals, mag-tanim ng mga plants, at mag-design ng pinaka-magandang land plot sa buong Lunacia! Sa bawa’t pag taas ng iyong level, makakapag-unlock ka ng bagong ingredients at mga secret recipes at iba pang dekorasyon para mapaganda ang iyong land plot!
Pwede mo nang laruin ang Axie Infinity: Raylights sa iyong browser! Walang kailangang i-download para malaro ito!
Ang launch na ito ay isang importanteng landmark event para sa community natin dahil pinapakita nito kung paano pwedeng magamit ang inyong mga Axie NFTs sa iba pang experiences at laro sa ating ecosystem. Ang mini-game na ito ay developed in collaboration with Quicksave Interactive—isang experienced team ng game developers mula sa Finland.
Unang inanunsyo ang Raylights sa AxieCon.
Panooring ang quick Gameplay tutorial na ito!
Cultivate Your Land
Ang Axie Infinity: Raylights ang umpisa ng early civilization sa Lunacia. Dahil bagong creatures palang ang mga Axies sa Raylights, kailangan nilang pag-aralan kung pano nga ba makapag-farm ng resources para mapaganda ang kabuo-an ng Lunacia!
Umiikot ang gameplay ng Raylight sa pag-hukay ng minerals sa land plot at pag grow and unlock ng iba’t ibang recipes at halaman (plants). Sa bawa’t progression ay madami pang pwedeng ma unlock na iba’t ibang layers, recipes, at codes!
Sino kaya ang unang makaka-kumpleto ng Archive of Raylights?
Ang vision namin para sa Raylights ay ito ay maging isang peaceful, social experience na ma-eenjoy ng mga landholders. Dito rin makikita ang galing ng mga players sa pag-design ng perfect aesthetic land plots!
Seedling Nursery
Ang pag-grow ng plants ay nagagawa sa pag-hukay ng minerals mula sa isang ‘seedling nursery’. I-drag and drop mo lang ang mineral na gusto mong i-latag sa lupa sa may ‘Add mineral’ box
Kapag nailagay mo na ang combination ng minerals, pwede ka na mag-drag ng Axie sa may ‘Add Axie’ box. Pindutin mo na ang Grow button pagkatapos. Hihintayin mo nalang na lumabas na ang iyong new plant! Ang plant na ito ay mapupunta rin sa iyong “Items” tab kung saan pwede mo siya ma drag sa iyong land plot.
Minerals
Ang Minerals ay ginagamit pang ‘research’ sa may Seedling Nursery.
Kasalukuyang may 10 types ng minerals ngayon sa Raylights:
Edenite
Aqua
Beastium
Serpentine
Amber
Aerium
Mechanium
Solar
Obsidian
Citrine
Sa start ng game, may access ka sa 3 minerals – Edenite, Aqua and Beastium. Para makakuha pa ng karagdagang minerals, kailangan mong ma clear ang mga in-game missions!
Iba ibang mineral codes ang kailangan para ma-unlock ang mga iba’t ibang uri ng plants, pero ang iba sa mga common plants ay may multiple recipes din para ma-unlock. Importante ang sequence ng mineral placements, pati narin ang rarity ng bawa’t land ay may katumbas din na iba’t ibang codes na pwedeng makuha.
Kapag may hindi ka pa na-susubukang specific recipe sa land type na gamit mo, makikita mo ang message na “Unknown Plant”—ibig sabihin nito ay bagong combinasyon ng minerals ang iyong nailagay. Ang Axie na i-aassign mo sa isang plant recipe ay walang impact sa resulta sa ngayon.
Launch Competition
Para maging mas exciting ang ating launch, magkakaroon tayo ng 2 launch competitions. Ang submission deadlines para sa competitions na ito ay October 14th at 11:30 PM EST (October 15th, 11:30 AM para sa Pilipinas).
Most Plants Unlocked
Unlock as many plants as possible! Mag post lang ng picture ng iyong plot sa Twitter with the hashtag #RaylightsUnlock. Makikita rin namin sa system backend kung sino nga ang may pinakamaraming plants na unlocked.
First Prize: MakerDAO Bronze land item
Second Prize: Kyber Network land item
Third Prize: Kyber Network land item
Most Aesthetic & Creative Plot
Isang importanteng aspeto ng gameplay sa Raylights ay ang pag-buo ng perfectly aesthetic plot. Ang “ganda” ng isang plot ay subjective, dahil minsan depende yan sa mata ng tumitingin. Pero, ang effort, uniqueness, creativity, at balance ay gagamitin bilang criteria sa pag-pili ng mananalo dito. Ang submissions ay ija-judge ng AxieArtGallery at Sky Mavis team.
To submit, mag-post lang ng picture ng iyong land plot sa Twitter with the hashtag #RaylightsAesthetic.
First Prize: Tanuki land item
Second Prize: Coingecko land Item
Third Prize: Coingecko land item
Upcoming Features
Ang Raylights ay nasa early stage pa, at gaya ng lahat ng ating ginagawa, sama-sama nating i-bbuild ang experience na ‘to, kasama ang ating community.
Pag-tagal, magkakaroon pa ng new features na pwedeng madagdag sa game, tulad ng:
Pag-allow sa mga non-landowners na makapag-laro at ma-access ang gameplay through landowners*
Ability to mint certain crafted objects as NFTs
Karagdagang game mechanics na pwedeng magpa-bilis sa pag-craft
At marami pang iba!
Mahalaga ang feedback ng lahat sa development process ng lahat ng Axie products! Kaya pwedeng pwede kang makatulong sa pag-improve ng Raylights by filling out this feedback form.
Need help? Meron tayong support guide na nag-dedetalye ng gameplay ng Raylights.
* Sa ngayon, ang mga player ay pwedeng mag grow ng plants plants sa bawa’t land plot na pag-mamay-ari niya. Kapag dumating na ang gameplay para sa non-landowners, ang bawa’t player ay pwede nalang mag grow sa apat (4) plots simultaneously, at magkakaroon ng benefits ang landholders base sa dami ng plants na pinapalago ng ibang players sa iyong plots. Both the number and quality of those plants ay mag-iimpact sa benefits na pwedeng makuha. Hindi pa ‘final ang mga detalye na ito, pero ito ang direksyon na kasalukuyan naming naiisip.