Origin Season 0: Phase 3 Is Here!
Nandito na ang Origin Season 0—ang unang hakbang patungo sa Phase 3
Key Points:
Nandito na ang Origin Season 0! Isa ito sa importanteng hakbang patungo sa Phase 3
Ang SLP rewards ay na-ilipat na sa Origin (Ranked). Wala nang SLP sa Classic (v2).
Launched na ang NFT Runes & Charms! Kinakailangan nito ng SLP at Moon Shards para ma-craft. Pwedeng ma-mint ito sa Ronin at maibenta sa marketplace.
Inadjust din namin ang Leaderboard rewards, crafting/disenchanting systems, balancing, at marami pang iba!
Ang mga rewards, crafting costs, card balancing, at iba pang aspeto ng game ay maaaring pang magbago during Season 0. Lahat ito ay 'subject to change' based sa fine-tuning at improvements na patuloy na gagawin patungo sa Season 1 start
Nandito na ang Season 0! Tatagal ito ng 30 days. Importanteng update ito para sa ating digital nation dahil maraming updates at changes ang mangyayari dito.
Nag-handa si Nixtape, Philippines Lead ng Axie Infinity ng video para ma-discuss ang mga changes para sa Season 0.
Balancing Changes
Magkakaroon ng pagbabago sa Energy/Card scaling para sa Season 0, kasama narin ang mga AoE, Card, at runes. Pwede mong mabasa lahat ng impormasyon tungkol sa balancing changes dito.
Season 0: Smooth Love Potion (SLP)
Ang SLP rewards ay na-ilipat na sa Origin (Ranked). Wala nang SLP sa Classic (v2).
Isa sa major benefit ng transition ng SLP to Origin mula sa Classic is ang potential na mas mabalance ang SLP economy. Ang rewards system natin ngayon sa Origin ay aligned sa goal na mas mabalance pa ang SLP economy.
Gaya ng sa Classic, ang SLP ay ma-eearn sa PvP Ranked mode kapag nanalo ka sa battle. Ang SLP earnings mo ay naka-base rin sa rank mo. Higher rank means more SLP per win.
Sa Origin Season 0, mag uumpisa na ang panibagong utility ng SLP, which is pang-craft ng Runes and Charms. Ang ating new mint system para sa SLP ay magiging 7 days nalang (dating 14 days).
Pero walang SLP ang pwedeng ma-mint during Season 0 (30 days), habang mino-monitor namin ang system. Kung may bugs, abuse, o exploits na makitang gawin ng isang player based sa SLP emissions, pwede agad maalis ang SLP bago pa ito ma mint.
Season 0: Leaderboard Rewards
Ang leaderboard rewards noong Season Alpha ay nag-bigay ng total of 49,157 AXS para sa 10,000 players, ngayong Season 0, 60,708 AXS na ang reward, total pay out para sa 20,000 players!
Season 0: Crafting Changes
Ngayong Season 0 ng Origin, marami agad pagbabago para sa crafting system. Isa sa pinaka malaking pagbabago ay ang crafting ng runes and charms ay pwede nang ma-mint sa Ronin blockchain. Ronin Runes and charms na ang tawag dito at pwede na itong i-buy/sell/trade/gift sa ibang players. Ang iba pang changes ay:
New Crafting Recipes
Crafting utility items, tulad ng moonstones/moon dusts ay hindi na pwedeng ma-craft. Sa game advancement nalang sila pwedeng makuha.
Small change to utility item %’s
Season 0: Disenchanting
Ang Disenchanting ay isang important mechanic na nagbibigay ng utility sa Runes and Charms kapag expired na sila after ng season. Gusto namin na ang players na nag-effort at nag-acquire ng runes and charms na ‘to ay makakuha parin ng value sa mga ‘to pagkatapos ng season. Pero, gusto rin namin na may balance pag i-kumpara naman sa mga tao na hindi nakapag-disenchant. Ito na ang bagong disenchant rates para sa Season 0:
**These are subject to change season to season depending on economic factors**
*SLP is only returned when disenchanting Ronin Runes/Charms
Season 0: NFT Runes & Charms
Ngayong Season 0 excited kaming i-announce ang launch ng ERC-1155 tokens na NFT Runes & CHarms (“Ronin” Runes and Charms). Unique sila dahil:
Kailangan ng SLP para mag-craft
Pwedeng ma-mint sa blockchain
Pwedeng i buy/sell/gift gamit ang marketplace
Ang Ronin Runes and Charms ay magkakaroon ng small fee para ma-mint sa blockchain. Ang fee na ito ay $3 USD worth of AXS.
Para mapanatiling safe ang economy at ma-verify ng maayos ang mga transactions to avoid abuse, nag-set kami ng minimum mint time para sa Season 0 na 7 days. This means na ang Ronin Rune/Charm na dineposit or craft ay kailangan maghintay ng 168 hours bago ito ma-mint sa blockchain at maibenta sa marketplace.
Season 0: Moon Shard and Reward Changes
Starting Season 0 ng Origin, maraming pagbabago sa Moon SHards at Utility Crafting Items tulad ng Moon Dusts and Ancient Moonstones. Ang primary goal ay ma-reward ang players na madalas naglalaro ng game at tumataas ang ranks. Pero, ayaw din naman namin na mag-multi-account ang mga players, kaya makakatulong ang mechanic na ito.
Overview ng mga pagbabago:
Increased Moon Shards mula sa Ranked Arena Wins
Rewards (Runes/Charms + Utility Crafting Items) mula sa ‘Increasing Crafting Level’
Utility crafting items ay ibibigay paunti unti sa mga first-time rank up rewards
Binabaan ang moon shards rewards sa first-time rank up rewards, lalo na sa mga earlier o lower ranks
Mas mababa narin ang moon shards mula sa Adventure, Star Milestone, at Foraging Box
WALA nang Moon Shard rewards mula sa account level-up
Read more about Season 0 Moon Shard and Reward changes here
Season 0: Matchmaking and Victory Star Changes
Starting Season 0, ito ang magiging changes regarding matchmaking at victory stars:
Matching Logic Changes
10x all Victory Stars (for easier transition to ELO)
Previous Season Victory Star Bonus
Challenger ELO System
Victory Star Decay
Read more about Matchmaking and Victory Star Changes here
Season 0: Stickers
Lahat ng players na ma-reach ang “Chick” rank saSeason 0 ay makakatanggap ng sticker na ito:
Lahat ng players na makapasok sa Top 20,000 sa Season 0 leaderboard ay makakatanggap naman ng sticker na ito:
Para sa mga katanungan, nag handa ang support team ng comprehensive support article para sa Season 0.
how to be axies scholar..
Bakit wala sa update ang BUG na kapag nag susummon ng Mavis at may God REP Yung card niya na RETAIN. (Tiny Dino) ay Laging 0 cost hanggang MATAPOS ang laro??
Di ba napansin ng mga DEVS. Ito?