Origin Early Access Mobile Release! [Filipino]
Live na ang Axie Infinity: Origin sa Android Mobile devices!
Live na ang Axie Infinity: Origin sa Android mobile devices!
Lahat ng player ay mayroong 3 FREE starter Axies na pwedeng magamit at malaro. Kasabay ng ating mobile release, mas accessible na ang Axie Infinity para sa lahat!
Gayunpaman, ang Axie Origin ay nasa Early Access testing phase parin. Pero importante ang araw na ito, dahil we are taking one step closer to our full global launch! Sa ating global launch, doon magkakaroon ng token rewards, crafting NFT runes and charms, at ang ating first Origin leaderboard season na may AXS prizes.
Ang timing ng global launch ay dedepende sa feedback na matatanggap namin sa mga susunod na buwan.
Gumawa naman ang ating mga kaibigan sa Axie.Tech ng “how to get started” guide para sa Origin. Pwede mo itong basahin at i-share sa iyong family and friends para mas madaling matutunan ang new mechanics ng Axie Infinity: Origin.
Kasabay ng ating mobile release, meron din tayong patch na dineploy na may kasamang updates and upgrades.
✨What’s New:
Nag upgraded kami ng 16 aspects sa player interface. Details: Origin UI Improvements
Ang Bloodmoon ay maguumpisa na sa Round 15.
Lahat ng status and rune effects ay mag a-activate na magkakasabay. Mapapabilis nito ang pace ng laro.
Meron na tayong "Full HD Graphic" option sa Settings.
🛠️ Improvements & Bug Fixes
Pinahina namin ang opening sound na tumutunog sa umpisa ng match para mas angkop ito sa overall volume ng game.
Ang ‘Scry’ ay hindi na pwedeng ma-cancel. Ang bug na ‘to ay na exploit sa pamamagitan ng paulit ulit na pag-silip sa next cards na pwedeng ma-draw habang hindi nababawasan ang energy.