Axie Infinity: Origin Is Live In Early Access! [FILIPINO]
Available na ang Axie Infinity: Origin–Early Access via Mavis Hub on Desktop.
Nandito na ang pinakahihintay nating araw! Axie Infinity: Origin is now available to play via Mavis Hub! Ito ay isang Early Access release, meaning marami pang magiging upgrades sa game sa mga parating na linggo at buwan.
Gusto naming pasalamatan lahat ng miyembro ng Axie Infinity community para sa inyong patience habang ginawa namin ang major upgrade at revamp ng Battle system. Ngayon makikitang mas maganda, fun, at engaging na ang gameplay.
Isa itong malaking hakbang para sa Axie Infinity ecosystem at naging posible lamang ito dahil sa suporta ng bawa’t community member sa Lunacia!
Wag kalimutang i-share ang inyong mga ideya at first impressions sa social media. Use the hashtag #AxieOrigin at i-tag niyo narin kami @axiephofficial @axieinfinity!
How To Play [Paano Maglaro]
Existing Players [Kasalukuyan kang player na ng Axie Infinity]
Lahat ng existing Marketplace accounts ay na-migrate na sa bagong Sky Mavis account system. Para makapag-laro, mag-login lamang sa Origin gamit ang iyong usual email at password.
Pagkatapos nito, i-click mo ang button na ito sa game para ma-sync ang Axies mo.
Para ma-sync ang iyong mga NFT Axies sa Origin, i-click mo ang “Axie” sa home screen ng game, at pindutin mo ang Sync button na makikita sa bandang kanan (taas).
New Players [First Time mo maglaro ng Axie]
Ang mga bagong players ay pwedeng mag-register sa Origin login screen para maka-gawa ng bagong Sky Mavis account. Pwede ka na agad maglaro ng Axie Infinity: Origin pagka-gawa mo ng account!
Pag handa ka na bumili ng sarili mong Axies, kakailanganin mong gumawa ng Ronin wallet and deposit* or buy some ETH. Next, mag log in ka sa marketplace and link your Ronin wallet. Ayan, ready ka na bumili ng sarili mong Axies!
The Path Forward
Ang focus dito sa Early Access release ay ang pag-collect ng player feedback at gameplay data para ma-tweak at ma-improve namin ang game bago ang full launch. Dahil dito, may mga magiging pagbabago pa from now until dumating tayo sa full launch o global release. Importanteng tandaan na LAHAT ng progress mo sa game at resources na na collect during this Alpha release ay ma-rereset din. Ang magandang gawin ngayon ay mag-focus sa pag e-enjoy at pag-aralan ang bagong battle system at mechanics ng game. Maari din na may mga onting bugs and issues sa game, so please report them here!
New Features
Ito ang mga bagong features na kasama sa Early Access release ng Origin:
Free starter Axies. Magkakaroon ka ng libreng starter Axies, kaya pwedeng pwede mo na-imbitahin ang family at friends mo na maglaro ng Axie kahit wala pa silang alam sa crypto o NFTs. No need to invest or buy crypto / Axies para makapaglaro sila!
Upgraded Axie art na mas nagbibigay ng kulay at buhay sa bawa’t Axie.
Sequential turns na nagbibigay ng mas mabilis, fun, at dynamic gaming experience.
Energy / cards are reset each turn — dahil dito, encouraged narin ang mas agresibong gameplay.
Card changes. Nagbago man ang card effects ng karamihan sa mga existing cards, na-maintain parin natin ang ‘spirit’ or essence ng mga cards na ‘to sa Origin.
Eye & Ear Cards. First time sa history ng Axie Infinity na nagkaroon ng cards ang eyes & ears. Explore them!
Runes / Charms as power-ups. Ito ang unang patikim sa Axie progression at pagpapalakas ng Axies.
Critical Hits ay na-replace na ng Rage mechanic.
Sa Early Access, non-NFT Charms and Runes lang muna ang available. Upon full launch, ma-rerelease na ang iba as NFT Runes and Charms. May mga Runes, Charms, and other items na magiging craft-able sa Early Access natin kahit walang SLP. Pero pag dating ng full launch, maaaring may SLP requirements na ang mga ito.
Marami tayong ideas na kinononsidira sa future, kasama ang pag-gamit ng lower level Charms and Runes para makapag-craft ng mas advanced at higher level na powerups. Possible din na may mga Charms & Runes na pwede lang ma-acquire ang materials kapag nag-release ka ng Axie (katulad ng Lunacian Express).
May mga cards din na available lang sa Starter Axies. Eventually possible rin na maging available ang mga skills na ‘to sa NFT Axies in the future.
Ang sound effects at music ay ma-uupdate din sa future versions.
Gameplay Tutorials
As Axie Infinity: Origin is a completely new and fresh experience, marami tayong new onboarding tutorials na sinet-up para matulungan at magabayan ang lahat ng players, both new and old. Ang mga tutorials na ito will be touching on exciting new mechanics and details—karamihan dito ay hindi pa-revealed! Ang Adventure Mode ay may bago naring engaging story o lore na kung saan featured ang mga Starter Axies at iba pang special characters!
Want to learn more? Ang mga partners natin sa Axie Tech ay nag-prepare ng complete Origin guide, kasama narin ang Rune/Charm & Card inspectors!
Balancing
Magkakaroon tayo ng continuous balancing ng Cards, Runes, and Charms as we gather data and feedback from the community. May mga overpowered cards at combos, pati narin runes and charms na malalaro ngayong Alpha. Sana ay wag tayo gumawa ng mga financial decisions o marketplace decisions based lang sa current meta or power dynamics. Patuloy tayong mag-rerebalance so walang kasiguraduhan na kung ano ang malakas ngayon, ay malakas parin bukas. In addition, tandaan na lahat ng Runes and Charms from the Early Access period ay ma-rereset.
Ang battle meta sa Origin ay patuloy na magbabago continuously over Seasons through a variety of components including introduction, deprecation, and updates to:
Charms & Runes
Body Parts
Gameplay Mechanics
Class Attributes
Sa lahat ng competitive game, kailangan ng constant updates para ma-maintan ang fresh, exciting, at fun experience sa mga players.
Free Starter Axies
Magkakaroon na tayo ng non-NFT Free Starter Axies, making playing Axie more easy and accessible para sa friends and family niyo! Finally, ang mga new players ay pwede nang matuto muna kung paano maglaro, at ma-inlove sa Axie Infinity universe, bago pa man kailanganin na bumili ng crypto o ng Axie NFTs.
Rewards
Wala munang rewards na SLP at AXS na matatanggap during the Alpha version. Battles v2 (Classic) will continue to run and be playable—doon ay patuloy parin ang SLP and AXS rewards. Darating ang araw na ititigil na ang v2, at fully migrated na ang rewards system sa Origin. In the next few weeks, mas magkakaroon ng clarity tungkol sa timeline nito based narin sa feedback ng community.
Feedback & Pipeline
Kung mayroon kang feedback na gusto i-share, sabihin mo lang dito: Axie Infinity: Origin - Feedback. Pwede kang magreport ng bugs, o kaya naman mag share ng mga bagay na nagustuhan mo sa game, or balancing suggestions, at iba pang comments na tingin mong makakatulong para sa game!
Sobrang excited kami para sa lahat ng Lunacians na makapag-explore at dive in sa bagong experience na ito. Looking forward narin kami sa mga feedback niyo sa Origin!
Axie Infinity: Origin’s Early Access is only the beginning of what’s to come. Plano namin na patuloy na mag update, iterate, at i-expand pa ang game.
Kasama dito ang mga potential future features tulad ng cosmetics, upgraded parts, tournaments, and a rogue-like game mode.
Para sa complete view ng current feature pipeline namin, pwede niyong i-check ang page na ito.
Happy battling!
🌟 Join Axie Discord
Disclaimer: Please note that anything written in this document should not be taken as financial advice. Axie is a bleeding-edge game that's incorporating unfinished, risky, and highly experimental technology. Development priorities, roadmap, and features are subject to radical overhaul based on research, traction, feedback from the community, and a myriad of other factors.
* Please note that the Ronin bridge is currently down for Maintenance.