Axie Infinity: Origin is Coming! [FILIPINO]
Parating na ang bago at exciting na Axie experience!
Ang Axie Infinity: Origin (Battles V3) ay malapit nang lumabas! Ito ay magkakaroon ng panibagong game mechanics, graphics, special effects, storyline, at mas madaling ‘onboarding experience’ para sa mga new users.
Ang Origin ay ginawa para sa mas mainstream na audience! Magkakaroon na ng 3 FREE Starter Axies na panimula para sa mga gusto maglaro at subukan muna ang game. Mas dadali na ang pag-share ng Axie sa ating mga family and friends dahil pwede agad sila makapaglaro ng Axie nang hindi kinakailangang mag-invest o bumili agad agad ng Axies.
May mga finishing touches pa na ginagawa sa game, at hindi pa final lahat ng mababasa niyo dito. Maaari pang may mga pagbabago na maganap bago mag-launch. Ganun pa man, gusto parin namin i-bahagi sainyo ang mga updates na ito!
Ang aming goal ay ma-release ang Origin by the end of Q1 2022 (March). Pero, hindi parin natin masasabi kung may mga unforseen circumstances na maaaring mag cause ng delay sa release. Rest assured, ginagawa namin lahat ng aming makakaya para ma-release agad ang Origin!
Release Plan
Alpha
Ang Axie Origin ay mag-uumpisa sa Alpha launch, na kung saan magiging available ito globally sa Mavis Hub at Android APK. Ang Alpha launch na ito ay magsisilbing paraan para makakuha kami ng player feedback para mas mai-improve pa ang game, bago ito i-release officially.
Wala munang SLP o AXS rewards na pwedeng kitain or ma-earn sa Origin habang nasa Alpha phase pa. Lahat rin nang progress at resources na pwedeng ma-earn habang nasa Alpha pa ang Origin ay magrereset din bago ang full formal game launch.
Season 0
Pagkatapos ng Alpha phase, i-lalaunch namin ang Season 0, kung saan ma-aapply din namin ang mga core updates mula sa feedback ng players. Depende sa progress at feedback ng players sa ating Alpha, maaari naming i-transition na sa Origin ang SLP rewards mula sa lumang version (Battles V2). At that point, maari narin tuluyan nang-i-sara ang Battles v2. Pero sa umpisa, sabay magiging available ang Battles V2 at ang Origin, hanggang dumating sa punto na ready na tayo mag transition fully sa Origin.
New Game Mechanics
Sequential Turns
Sa Origin, ang Axies ay aatake na agad pagka-lapag or “play” mo ng mga baraha. Sequential turn-based na ang Origin, kumpara dati na Round-based, na maglalapag ka na agad ng lahat ng baraha na gagamitin mo sa current round.
Ang paglalaro ng Axie Origin ay magiging non-stop action, kung saan either naglalaro at naglalapag ka ng baraha mo, o di kaya naman naka bantay ka sa bawat galaw ng iyong kalaban.
Naniniwala kami na ang mas fast-paced game design na ito ay mas engaging, fun, at nagbibigay ng ‘greater feeling of control’ sa iyong mga Axies dahil agad-agad ang mga actions sa bawat baraha na ginagamit.
Reset Energy & Cards Each Turn
Ang energy at cards na hindi magagamit sa turn ay hindi na maiipon. Ibig sabihin nito, ang mga Axie Infinity trainers ay maaaring hindi na gaano gugustuhin mag skip ng turn dahil masasayang lang ang Energy at Cards sa deck. Magkakaroon ng maraming mechanics na kung saan pwede parin naman ma-retain o makakuha ng panibagong energy/cards. Ito ay mangyayari para mayroon paring ‘layers of strategic decision-making’ na mangyayari sa game.
Card Changes
Para sa mga familiar sa Battles V2 (current game mode natin ngayon sa Axie Infinity), karamihan sa mga cards na ginagamit niyo ay mag-ccarry over sa Origin.
Pero, karamihan sa mga baraha o skills na ‘to ay magiiba na ang effect sa Origin. Kung dati, mayroong Attack at Defense value ang karamihan sa mga cards—sa Origin, isa nalang sa dalawa ang meron per card. Either attack o defense, hindi na pwedeng both.
Ang iba pa sa mga cards ay magkakaroon na ng bagong descriptions at effects. Maaaring manibago kayo sa mga changes na 'to, pero sinubukan parin namin na ma-retain ang essence ng mga cards/skills from the previous version. Naglo-look forward din kami marinig ang feedback niyo sa mga bagong skill effects pag-release ng Origin.
Eyes & Ears
Magkakaroon na tayo ng cards/skills na based sa mata at tenga ng Axies. Ibig sabihin nito, mas lalalim na ang meta gameplay sa Axie Infinity. Sa Battles v2 (current version ng Axie), apat na skills lang per Axie ang posibleng magamit. Sa Origin, anim na cards na per Axie ang pwedeng gamitin! Excited na kaming makita ang mga new meta at iba’t ibang combinations and team compositions na gagawin niyo sa Origin!
Power-Ups: Runes & Charms
Ang Runes at Charms ay bagong power-ups na aming i-introduce sa release ng Origin. Ang mga power-ups na ito ay ine-equip sa mga Axies at nagbibigay ng karagdagang buffs or powers sa Axies.
Ang runes ay nagbibigay ng new passive powers sa Axies, at ang charms naman ay ‘wearables’ na nagpapalakas ng abilities ng Axies.
Para makapag-craft ng power-ups, kailangan mag-earn ng off-chain resources na tinatawag na ‘Moonshards’. Makukuha mo ito kapag ikaw ay nananalo sa battles.
Ang runes at charms ay i-rerelease incrementally, meaning, hindi pa siya agad agad lahat lalabas. Sa umpisa, non-NFT runes and charms ay maaaring ma-craft gamit ang Moonshards. Pag-tagal, magi-introduce din kami ng mga powerful NFT-based runes and charms (pagkatapos ng Alpha phase). Ang NFT-based charms and runes na ito ay magre-require ng SLP at Moonshards para i-craft. Ito ay magsisilbi bilang isa sa mga SLP burning mechanisms na ma-iimplement sa Origin.
Ang Runes at Charms na lalabas kada-season ay mawawala rin sa susunod na season. Ibig sabihin nito ay kakailanganin ng players na tuloy tuloy ang pag-craft ng mga bagong runes at charms para ma-upgrade ang Axies.
Pero, hindi naman ibig sabihin nito na masasayang ang assets mo—dahil pwede monng ma-’disenchant’ ang runes nd charms para mabawi yung mga nagamit mong resources pang-craft. Pwede rin makapag-collect ng legacy Runes and Charms; at magkakaroon din ng rarity factors ito. Ang mga Axie Infinity trainers na mahilig mag-collect ay maaaring ma-rewardan sa future sa pagiging collector ng runes and charms.
Ang Moonshards ay magre-reset din every after ng season, so wag mong kakalimuting ubusin ang Moonshards mo bago matapos ang season.
Critical Hits are no longer the “Rage”
Maraming players ang na-dismaya sa current critical strike system ng Axie Infinity. Ang random element na ito ay masyadong nakakapag-impluwensya sa mga outcome ng games. Dahil dito, nagdesisyon kaming tanggalin na ang mga random critical hits sa Origin.
Papalitan naman natin to ngayon ng panibagong above-card play mechanic na tinatawag na ‘rage’. Ito ay parang bar or meter nai-ipon at napupuno ng Axies sa kabuo-an ng laro. Excited na kaming makita ang mga diskarte na gagawin niyo sa pag-gamit ng Rage mechanic na ‘to.
Simplified Axie Stats
Ang Origin ay magiging mas fast-paced na ang gameplay. Dahil turn-based na ang ating game design, hindi na magiging masyadong importante ang mga ibang stats na nakasanayan natin sa Battles V2. Halimbawa, wala nang silbe ang Speed sa Origin. Ang pinaka-importante o relevant na stats sa Origin ay hit points (HP).
Onboarding
Starter Axies
Naalala mo ba si Buba? Siya ang isa sa mga ‘starter’ Axies na pwedeng magamit sa Origin, for free! Ang mga starter Axies tulad ni Buba ay HINDI NFTs, at hindi maaaring kumita ng SLP gamit ito (sa ngayon). Sa ating bagong PvE Adventure Mode, possibleng makapag-unlock ng mga bago pang Starter Axies na pwede rin magamit habang nagp-progress sa story.
Pwede ring gamitin sa PvP Arena ang mga starter Axies na ito para masanay sa gameplay. Pero kung handa nang mag-compete ang player at magkaroon ng sariling Axies na ready for earning, pwede nang agad makabili sa ating Marketplace.
Tutorials & Unlocks
Alam namin na ang mga experienced players ng Axie ngayon ay hindi na masyado kailangan mag-adjust sa Origin. Pero, ayaw parin namin na maging masyadong ‘overwhelming’ ito para sa new players—lalo na para sa mga family and friends niyo!
Kaya naman siniguro namin na magkakaroon ng mga progressive unlocking ng different features sa PvE Adventure. Ito ay para hindi ma-overhwelm ang mga bagong players. Mas madali makakapag-adjust ang new players… Marami ring naka-handang tutorials na mas makakapag-explain ng mabuti sa iba’t ibang parte ng Origin gameplay.
Pwedeng balik-balikan ng players ang mga tutorials para mas lubos itong maintindihan.
Sobrang excited na kami na ipakita sainyo ang Axie Infinity: Origin!
Sobrang na-aappreciate namin ang patience niyo habang ginagawa namin lahat ng aming makakaya upang makapag-labas ng high-quality game na ma-eenjoy ng lahat ng players!
aning mangyayari saga current axies?? pano yung mga kakabili ng mga axie nila?
Damn...alam niyo pinasakit niyo lang lalo ang ulo ng mga investor niyo.yung pagtanggal niyo palang sa slp sa daily quest at adventure sakit na sa ulo.ang mahal mahal ng per axie team tapos ang makukuhang slp e napakababa dipende pa sa mmr kawawa ang 1,100mmr pababa.sana lang bago kayo nag desisyon na alisin yun e nag isip kayo mabuti.imbis sana na tinanggal niyo ang 50slp sa adventure e ginawa niyo nalang 20-25slp.tapos imbis sana na tinanggal niyo ang 25slp sa daily quest e ginawa niyo nalang 10slp para patas para sa lahat hindi yung naka pabor lang sa inyo.tapos binawasan niyo pa ang slp per win sa arena jusko kayo.tapos halos mag 4months nang bagsak ang palitan ng slp.napaka scam naman nyang pinag gagagawa niyo.kaht sa social media pinag uusapan yang point na sinasabi ko.