The Great Reset: Preparing For NFT Runes & Charms [Filipino]
Major Marketplace Update is now Live!
Key Points
Nag-deploy kami ng bagong marketplace contract na nag-susuporta sa ERC 1155. Ang mga NFT runes & charms para sa Axie Origin ay magiging ERC 1155 tokens, kaya mahalaga ang update na ito sa ating pag-transition sa Origin Phase 3.
Dahil sa pagkaka-deploy ng bagong marketplace contract, LAHAT ng naka-list na items sa marketplace ay matatanggal. Lahat ng gusto mong ibenta na Axies ay kailangan mo ulit i-relist.
Ang bagong marketplace ay optimized para sa best performance at stability na makakatulong sa pag-suporta ng future growth ng Axie.
Bago tayo dumiretso sa Season 0 at transition to Phase 3, magkakaroon muna tayo ng major update sa Axie Marketplace!

NFT Rune & Charm Support Through ERC 1155
Nag-deploy kami ng bagong marketplace contract na nag-susuporta sa ERC 1155. Ang mga NFT runes & charms para sa Axie Origin ay magiging ERC 1155 tokens, kaya mahalaga ang update na ito sa ating pag-transition sa Origin Phase 3.
Pag-dating ng Phase 3 hits, pwede ka na makapag-craft ng runes and charms na diretso mong mabebenta sa marketplace. Ang runes and charms na ito ay ma-mimint as NFTs. Ang ibig sabihin nito ay pwedeng pwede kang mag buy and sell ng runes and charms sa marketplace. Ang Runes and Charms ang first ERC 1155 tokens na i-dadagdag namin sa marketplace at in the future, maaaring marami pang maging use-cases ito sa paglago ng Axie and Ronin ecosystem.
Paalala: Ang new functionality na ito ay ma-iimplement pa sa Season 0. Backend update palang ang mangyayari ngayon.
The Great Reset
Dahil sa bagong marketplace contract, LAHAT ng current listings ay naalis na. Kung nais mong magbenta ng Axie, kailangan mo ulit itong i-relist sa marketplace.
Benefits of The Great Reset include:
• Maraming mga players ang babalik at madidiskubre ang new progress natin sa Origin.
• Ang mga Marketplace sales ay hindi mapupunta sa “blackholes” example: players that have lost their private keys or have left the ecosystem forever.
• Marami sa mga players ang may mga listings noong iba pa ang market environment—ang pag-relist ngayon ay magandang timing para ma-reassess ang pricing natin.
Lahat ng listings ay magkakaroon ng 6 months expiration. In the future, maaari rin magkaroon ng iba pang expiration duration
Performance Upgrades
Ang bagong marketplace ay optimized para sa best performance at stability na makakatulong sa pag-suporta ng future growth ng Axie. Tulad ng nangyari noong nakaraang taon, ang growth cycles ay pwedeng mangyari ng mabilis kaya gusto rin namin na mapaghandaan ito habang patuloy na lumalaki at lumalakas ang ating community.
Mas bibilis na ang pag list ng Axies at mababawasan na ang mga cases ng Axies na ‘na sstuck’ sa marketplace. Alam namin na isa ito sa mga pain points ng community at ang update na ito ay makakatulong para maging mas smooth ang marketplace experience ng lahat.