The Axie Creator Program [Filipino]
Programa para sa ating community of contributors and content creators
Lahat ay pwede mag-participate at makinabang sa kabuoan ng Axie ecosystem, katumbas ng ambag at kaya mong magawa para sa community.
Isa ito sa core beliefs sa karamihan ng Axie initiatives natin tulad ng AXS leaderboard rewards, Lunacian Codes, Axie IRL meetup grants, at marami pang iba. Ang mga programa na ito ay ginagawa namin para magbalik ng suporta sa mga Lunacians na tumutulong din sa Axie.
Ngayong araw na ‘to, gusto namin ibahagi ang isang framework na aming i-tetest para sa pagbibigay ng valuable support pabalik sa ating community of contributors and content creators.
The Axie Creator Program
Ang Axie Creator Program ay designed para ma-identify at ma-suportahan ang contributors na malaki ang impact sa Axie ecosystem. Ang ganitong klase ng programa ay bago sa web3 at marami rin itong kasamang posibleng challenges… Pero tatahakin natin ito ng sama-sama.
Para mas maging maganda ang ating programa, nakipag-tie up kami sa experts sa mga ganitong bagay… Ka-partner natin ang guild na QU3ST para ma-operationalize ito sa loob ng anim na buwan. Sa kanilang tulong, nakapag-develop kami ng initial program framework!
Who is eligible? [Sino ang pwedeng sumali?]
Ang lahat ng Lunacian ay eligible o pwedeng sumali sa Axie Creator Program. Ang program na ito ay designed para ma-identify at suportahan ang mga:
Content Creators (video, live, audio, written)
Creatives (artists, editors, memers, cosplayers)
Developers
Contributors (guilds, niche communities, event organizers, competitive players)
Marami pang iba’t ibang uri ng contribution, kaya naman kung may na-miss kami o hindi nasama, let us know!
How will the program be structured? [Paano ang structure ng program?]
Para mag-succeed ang Axie Creator Program, kakailanganin ng regular involvement and feedback mula sa community. Ang Program structure ay broken into two (dalawang) phases:
Phase 1: Makapag-establish ng proseso para makapag-kolekta ng feedback at mapakinggan ang opinyon ng mga participants.
Phase 2: Makapag-provide ng meaningful support sa participants, base sa makukuhang impormasyon mula sa Phase 1.
How can participants progress? [Pano mag p-progress ang mga participants?]
Ang progression o pag-level up sa programa ay mag-uumpisa sa:
Pagsali sa official Axie Infinity Discord
Magpakilala sa Creators Program chat (#creator-central)
Mag-engage sa Axie Creator Program staff
What kind of rewards can be provided? [Anong klaseng rewards ang maibibigay?]
Ang Axie Creator Program ay magkakaroon ng rewards na mag-uumpisa sa basic at easily accessible rewards na magmumula sa data na makukuha sa community. Pag-tagal, magkakaroon ng mas malaki at complex reward projects.
Sa umpisa, ang Program ay mag-lalaunch with two types of rewards:
Access to: news, initiatives, patches, key moments, and events
Support via: dedicated points-of-contact, social media engagement, and monetary grants
Ang mga reward ay mag-eexpand pa, sa pag-tagal at pag-grow ng ating program, mula sa feedback ng mga members na kasali.
Paano gagana ang governance ng programa na ito?
Sa umpisa, ang guild na QU3ST ang mag-lelead ng programa na ito, kasama ang suporta ng Axie team. Ang programa na ‘to ay kasalukuyang naghahanap ng mga potensyal na team members para makatulong sa pag-suporta ng initiatives. If interesado ka, hanapin mo lang kami sa Axie discord at mag-usap tayo tungkol dito!
Kailangan namin ang tulong mo para mapaganda ang ating framework.
We need your help para malaman pano namin mas masusuportahan ang creator tulad mo. Ano anong metrics ang importante sayo? Anong klaseng suporta ang kailangan mo? Pano ka namin matutulungan na magawa ang best mo para sa Axie community?
Magkakaroon tayo ng maraming Twitter spaces, Discord stages, commonwealth posts, at community discussions para mas ma-explain at mapag-usapan ito. See schedule below:
June 16, 12 pm EST - Twitter Spaces on @AxieInfinity
June 16, 6 pm EST - LatAm Discord Stage in Axie Spanish Discord
June 16, 9 pm EST - Discord Stage in official Axie Discord
June 17, 12 am EST - Japanese Twitter Spaces on @AxieJPOfficial
June 19, 9 am EST - PH Twitter Spaces on @axiephofficial
Magkakaroon tayo ng mga 1-on-1s din para sa mga creators na gustong sumali sa program na ‘to.
Isa pa ay magkakaroon din tayo ngcreator roles and channels sa official Axie discord para mas mapaganda pa ang mga discussions! Come chat with us!
Ready at excited ka na ba? Tara na at mag sign-up sa official Axie Creator Program intake form.
Ito ay isang “first-of-its-kind” web3 creator program, at excited na kaming i-build ‘to kasama ang buong community!
Want to learn more? Check out our FAQ.