Introducing: The Creator Academy [Filipino]
200 Fellowships para sa Nas Academy Creator Program!
Naniniwala kami na mahalaga ang pag-suportasa ating mga community members at content creators.
Ang lahat ng Axie creators, maliit man o malaki, ay napakalaki nang nai-aambag sa ecosystem. Pero, simula nung umpisa, ay walang karagdagang suporta na naibibigay ang Axie Infinity in terms of educational resources para sa mga creators…
Pero ngayon, mayroon tayong espesyal na programa para sa creators:
Kami ay mag-po-pondo nang 200 fellowships o scholarships para sa mga creators upang makasali sa bagong Nas Academy Creator Academy.
Ang training school na ito ay ginawa ng Nas Academy specifically para sa Axie Infinity community members. Ito ay iba pa (pero complementary) sa Axie Creator Program na operated ng QU3ST.
The Creator Academy
Ang Nas Academy ay isa sa top creator schools at handa na silang i-train ang mga web3 content creators sa Axie Infinity ecosystem. Layunin ng 3-month fellowship na ito na matulungan lahat ng creator na makapag-upskill sa kani-kanilang mga abilities at specialties, lalo na sa larangan ng content creation:
Ang pag-iisip ng unique at exciting na content ideas
Pagsusulat ng engaging scripts para makapag-retain ng viewersWriting engaging scripts that retain viewers
High-quality video filming gamit ang smartphone
Pag-edit ng videos end-to-end gamit ang smartphone
Social media strategies
Monetization, content Strategy, at branding
Ang mga participants ay magkakaroon din ng 2-month mentorship program kung saan mapa-practice lahat ng matututunan sa course, pati narin ang pag-create ng video content para sa sarili nilang channel.
Kung interesado ka dito, click mo lang ang link sa baba para sa karagdagang impormasyon. Ang registration ay bukas na, at magtatapos ito sa July 20!
Ang ating community ay may deep commitment sa Axie Infinity at napakalaki ng naitulong sa pagpapalago ng ating ecosystem—na ngayon, ang Lunacia ay isa nang ganap na digital nation.
Committed din kami sa pag-iinvest pabalik sa community members, gaya ng mga programang katulad nito. Maraming paraan kung saan pwede kaming tumulong at mag-reinvest sa community—isa ito sa mga programa na yun. Ang fellowship announcement natin today ay isang patunay sa pagpapahalaga natin sa edukasyon at up-skilling para sa ating community members.


