[Axie] February Dev Update! [FILIPINO]
Key Points
Ang Origin team ay patuloy na nagta-trabaho para sa target na Alpha release bago matapos ang Marso.
Marami naring progress sa land gameplay at sa bago nitong art style!
Swabe ang naging launch ng RON token nitong mga nakaraang linggo. It’s time to build!
Nararamdaman mo na ba ang excitement at energy ngayon sa ating Axie Infinity ecosystem? Parami ng parami ang mga community members natin sa buong mundo na patuloy na nagbibigay ng suporta at positive contributions.
Patuloy rin ang pag-laki ng Sky Mavis team at lahat ay nagta-trabaho ng husto para mai-handa ang mga plano naming i-release ngayong taon. Sobrang excited rin kami sa nakikita naming collective commitment mula sa team at sa community para sa ating greater mission!
Marami pa tayong pag-uusapan ngayon, kaya umpisahan na natin isa-isahin ang mga updates!
🌋 Axie Infinity: Origin
Maganda ang naging feedback at pagtanggap ng community sa Origin sneak preview na ni-release namin last week. Maraming salamat sa inyong suporta!
Sobrang excited narin namin i-share sainyo lahat ng detalye sa Origin—pero sa Sky Mavis, mahilig rin kami sa mga surpresa. Kaya naman, onting patikim lang muna ng updates tungkol sa Origin ang ilalabas namin today.
Marahil napansin niyo ang isang kakaibang bigotilyong green Axie sa mga promo posters namin. Gwapo ba siya? 😅 Well—let us introduce you to Olek!
Olek is a veteran warrior with a lifetime of fighting experience, who recently retired to become a turnip farmer. Since most of his body is plant-based, Olek has the ability to bury himself into the ground which allows him to absorb the soil’s nutrients and heal his injures.
One of Olek’s most distinctive characteristics is the large scar on his back, which he acquired as he protected his fallen comrade during a ferocious battle many years ago. During this fight, Olek leaped in front of his friend just as a Chimera viciously attacked, nearly killing Olek in the process. He was ultimately saved by his trusty helmet, which he still wears to this day, despite it’s rust and misshapen nature.
Olek is a brave, calm, and patient teacher who loves to share his knowledge with others. It’s no surprise that he was tasked to mentor and train the next generation of Frontier soldiers. His goal is to ensure that each of his students passes the Maturity Ceremony, which is the final evaluation that demonstrates an Axie’s ability to meet all Frontier soldier standards.
Olek is regularly attempting to flirt with the ladies, but it never seems to go quite as planned. Most of the time his students end up saving him and everyone around from further embarrassment!
In short, medyo malandi din si Olek at mahilig sa girls. Malalim ang kanyang kwento, at mas makikilala niyo pa siya pagdating ng Origin.
Si Olek ay isa sa tatlong ‘starter Axie’ na magiging available para sa Free-to-Play version ng Axie Origin. Siya ay isa sa leading characters sa Origin adventure. Kasama siya ni Buba at Puffy na may kaniya-kaniyang special abilities and cards din na magagamit sa iba’t ibang adventures asa Lunacia forest.
Magiging malalim ang paglalakbay at marami pang pwedeng mangyari sa bagong adventure na pagdadaanan niyo kasama ang mga Axies tulad ni Olek.
Lahat ng miyembro ng Origin team ay patuloy na nagta-trabaho para ma-refine at mas maging pulido ang Axie Origin para mas masaya at maganda ang maging gaming experience ng lahat.
Target namin na ma-release ang Origin by end of March, 2022. Stay tuned!
🌾 Land
Marami mang kaganapan at updates tungkol sa Origin—hindi ibig sabihin nito ay nakalimutan o napabayaan na ang Land. Todo parin ang efforts at trabaho ng dedicated team namin na focused sa Project K (Land gameplay). Over the last month, marami ang naging developments at improvements sa Project K…
Kasama na dito ang core economic features at ang pag-develop ng mga NPC (non-player character) mechanics. Ang features na ‘to ay lalabas agad sa initial release ng Land gameplay.
Exciting rin para samin ang mga feedback at questions ng mga land holders and iba pang miyembro ng community tungkol sa land gameplay. Maraming salamat sa lahat nang nag-contribute at nagtanong sa amin!
Plano namin na sagutin ang mga katanungan na ‘to sa pamamagitan ng dev updates (tulad nito), at sa social media. Paalala lamang na lahat ng impormasyon tungkol sa land ay posible pang magbago habang nasa production process pa tayo.
Questions:
What are the main changes that needed to be reworked which caused the delay in release, other than the move to 3D? (Ano ang mga main changes na kinailangan i-rework sa land gameplay na nag-cause nang pagka-delay nito—bukod sa desisyong mag-pivot sa 3D?)
Ang delayed release ng land ay dahil sa kakulangan ng key team personnel noong 2021. Ngayon, meron na tayong full-time Game Designer at Art Director para sa Project K (land). Natagalan din kami na makahanap ng mga tamang tao para sa roles na ito. Pero kahit nagkaroon kami ng delay sa pag-hire para sa roles na ito—nagkaroon din kami ng significant progress sa pag-develop ng mga additional art assets at code na hindi related, o hindi makakaapekto sa pag-switch from 2D to 3D.
When was the decision to go from 2D to 3D made? (Kailan napag-desisyunan na magpalit from 2D to 3D ang Land gameplay?)
Karamihan sa aming team ay convinced na ang pinakamagandang version ng Project K ay posible lamang kung rendered ito in 3D. Pero hindi rin sikreto na influenced din ang desisyon namin ng mga strategic new hires na sumali sa team. September 2021 kami nag-desisyon na mag-pivot from 2D to 3D para sa Project K.
Can you provide any details about land management? (Pwede ba kayong magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa Land management?)
Maraming magiging phases ang release ng Project K, pero ang first test phase ay iikot o mag-rerevolve sa pag-build up ng sarili mong Land. Para siyang magiging town-building type of game, na available lamang muna para sa mga Land Owners.
Magkakaroon ng harvesting at trading of resources, pati narin pag build at upgrade ng mga structures sa land. Ang pokus namin sa initial phase ng land ay ang pag-validate ng base Land game systems at ma-siguro na gumagana ang lahat at walang bugs o maling mechanics sa game.
Walang magiging token or on-chain gameplay na involved sa initial release ng Land. Pati ang mga resources na pwedeng ma-earn dito ay hindi muna tokenized. Ang plano namin ay makapag-introduce ng bagong Land-based token resource sa future.Ang mga Land Owners ay pwedeng gumamit ng off-chain “Pawn” Axies sa game para maka-gawa ng tasks or jobs sa kanilang Land. Ang mga Land Items ay hindi muna magkakaroon ng buffs or special effects sa Phase 1, pero eventually ay ma-rerelease at ma-aactivate din ito sa next phases.
Will there be battles at all in Land's first version? (Magkakaroon ba ng battle system ang first version ng Land?)
Ang major component ng initial gameplay ng land ay ang pagbenta ng crafted materials sa mga NPCs, na sila rin ang lalaban o magiging active participant sa Land battles. As we progress in our user testing, pag-aaralan din namin ang pag-involve ng AXS sa game loop na ‘to, and pwede nang kumita ang mga Land Owners ng AXS.
Abangan ang mga susunod na updates tungkol sa Land. Naghahanda kami ng mga refreshed set of materials na mas makakatulong sa pag-sagot sa mga katanungan niyo tungkol sa Land gameplay.
Gusto namin i-share sainyo ang isang example ng in-game screenshot ng Project K!
⚔️ Season 20
Tulad ng binahagi namin noong nakaraan, patuloy naming binabalance ang gameplay at economy sa existing Battles V2 natin. Ang balance na ito ay hindi madaling ma-achieve, pero naniniwala kami na sa tulong ng ‘crowd wisdom’ ng community, marami tayong strategies at progress na pwedeng marating! We appreciate everyone’s flexibility with our outreach experiments, at lubos kaming nagpapasalamat sa feedback na binibigay niyong lahat. Gumagawa narin kami ng mas efficient na paraan para makakuha ng karagdagang feedback mula sa community.
Sa e-sports side naman, sobrang na overwhelm din kami sa response ng community sa first round ng 2022 esports grants. Mahigit 60 tournaments ang naka-plano para sa first half ng taon!
Ang 2022 Global Tournament season kick off ay hosted by LOOT Squad on January 29th. Congratulations to Disi from YGG sa pag-secure ng grand prize!
Upcoming tournaments:
Kapital DAO Tournament on February 20th
Axie BEAT Invitational hosted by BEAT Esports on February 26th
BGG Pros Tournament hosted by the Blockchain Game Gang on February 26th
Ang 2022 Regional Tournament season ay maguumpisa sa March 1 with the The 3rd Katsutaro Cup located in Japan. Going forward, mayroon halos 40 tournaments na mangyayari sa major regions sa mundo, at magsisilbi itong big opportunity para sa lahat na mag-earn ng AXS, pati naring bragging rights!
Ito ang complete schedule of all 1H 2022 esports events, na patuloy naming ina-update. Good luck!
📈 Growth
Kasalukuyan kaming focused at ‘all hands on deck’ para sa Alpha soft launch ng Axie Infinity: Origin.
Malapit na kaming mag-release ng gameplay trailer (currently in production). Goal nito na makapag-attract ng bagong audiences toward our community.
Ang Upptic, na aming user growth partner ay na-onboard na namin. Excited na kami sa kanilang marketing efforts na makakatulong sa pag-introduce ng Axie Infinity sa panibagong audiences.
We recently welcomed regional leads for Latam and the Philippines. Welcome, Nix and Lima!
Madami kaming nakitang magagandang entries sa Builders Program. Tulad nang nabanggit namin dito, plano namin mag update sainyo soon! Stay tuned!
Nag-onboard narin kami ng events partner para makatulong sa pag-execute ng unang large-scale gathering ng Axie Infinity kasama ang community. Stay tuned dito!
Natapos na namin ang launch post namin para sa Origin at kasalukuyan namin itong pinapaganda… Finishing touches!
Ang economic balancing changes na implemented for Season 20 ay nakapag-bawas ng SLP issuance araw araw ng halos 60%
131,669 Axies ang na-release through the Lunar New Year releasing event. Ito ay importanteng eksperimento na nagpakita na interesado ang mga tao na i-release ang Axies nila kapalit ang mga cosmetic items. Ito ay isa sa magsisilbing importanteng elemento ng economic balance sa future.
Our Twitter account is nearing 920,000 followers. Let’s hit 1 million!
February 18th ay ang ika-apat na kaarawan ng Axie. Hindi kami aabot dito kung wala kayo!
Ang aming new Game Product Lead na si Philip La ay nag-bahagi ng kanyang mga ideya tungkol sa future ng economy ng Axie:
🐦 Ronin
Masaya rin kami sa naging smooth launch ng RON token! Kung hindi mo pa nababasa ang litepaper, pwede mong i-click ang green button sa baba para mas maintindihan mo ang RON token at kung ano ang magiging parte nito sa future ng gaming.
Sobrang saya rin namin na merong 830,000 accounts na kasalukuyang nag-oown ng RON token sa Ronin.
Over the last few weeks we’ve seen:
- An average of ~134805 paid transactions/day using RON.
- An average of ~867609 free transactions/day.
Ang spread na ito between subsidized vs. free transactions ay favored towards the free transactions. Kasulukuyan naming pinag-aaralan ang mga paraan para mabawasan ang reliance sa transaction subsidies na ito para mas lumakas ang utility ng RON sa ecosystem. Ang wide ownership ng RON within the community ay nagbibigay samin ng ideya na pwede narin naming unti-untiing i-scale down ang free transaction program.Ang iniisip namin ngayon ay ang posibleng pag-tanggal ng free transaction bonuses para sa non-supply capped NFTs tulad ng mga normal na Axie. Ang bonuses na ito hindi sustainable. Pinag-aaralan namin ngayon ang pag-retain ng bonus sa mga rare assets, pero may monthly computation kami na gusto i-consider.
Ang plano ay magkaroon kami ng update sa system na to within February or March. Stay tuned for more updates.🛠️ Sky Mavis
Nakatanggap kami ng positive feedback lately dahil sa transparency namin sa mga dev updates. Six months ago, nasa 38 lamang ang members ng Sky Mavis team… sa ngayon, 106 na kami at patuloy na lumalaki ang company.
By end of 2022, tancha namin na aabot na ng 200 employees ang Sky Mavis. Ang growth na ito ay hindi magiging posible kundi dahil sa aming talented HR and recruitment team!Patuloy ang pag-lago ng Sky Mavis team… 75% ay focused sa product design at development (kasama ang art team at engineering team). Ang operations department naman ay kung saan nandoon ang mga business-related tasks or roles tulad ng business development at financial management. Ang growth department naman ay para sa marketing, community, at ecosystem development.
Patuloy kaming naghahanap ng top talent na committed sa pag-push ng aming mission! Mahigit 20 job openings ang meron globally, so if tingin mo ay pwede ka makapag-share ng skills mo para sa team, check mo lang ang job board namin and apply!