Introducing App.axie!
Ang Axie Marketplace ay handa na sa susunod na phase. Maraming upgrades ang ginawa sa marketplace para mas maging maganda pa ito.
Kasabay ng new features, magpapalit narin ang pangalan ng marketplace… Ito ngayon ay tatawagin nang App.axie.
Ang release na ito ay umpisa ng tuloy tuloy na updates at improvements na gagawin sa App.axie, para mas maging angkop ito sa pag-onboard ng new players at maging mas smooth ang mga transactions at flow sa app.
Abangan rin ang keynote presentation ni Jeff (Shade) Kam sa #AxieCon!
Upgrades & Updates!
May bago na tayong homepage kung saan highlighted ang engagement at economic activity sa Axie Infinity. Alam namin kung gaano kahalaga ang data transparency kaya naman excited kaming mag roll out ng mga stats na ito para sa aming community. Patuloy namin itong i-improve, based sa feedback niyo sa Twitter, Discord, at Commonwealth.
Meron narin tayong ‘new games’ section. Habang patuloy na lumalago ang ating ecosystem, kakailanganin ng App.axie na suportahan ang mga new games na gagawin ng Sky Mavis, pati narin ang mga games na gawa ng community (Builder’s Program), at mga games na gawa ng iba pang game developers.
Soon, magiging mas maganda pa ang section na ito ng website, dahil magsisilbi itong portal para sa Origin, Land, Builder Program games, at marami pang iba! Magkakaroon ng opportunity ang mga players na ma-discover ang iba’t ibang games sa Axie ecosystem.
Recessive Genes
Matagal nang ni-rerequest ito ng community, kaya naman excited kaming i-launch ang recessive genes information na lalabas na ‘natively’ sa marketplace. Makakatulong ito sa mga breeder at gustong malaman ang bloodlines para mas mag-improve ang breeding experience.
Big shoutout para sa community developer na si Freak, dahil ang custom tool na ginawa niya dati ang ginagamit ng community. Eto ay isang example kung gaano ka-importante ang community contributors sa pag-build kasama namin, at kung pano rin sila nagsisibling inspirasyon sa aming approach sa development.
New Tags For Collectible Axies
Gusto pa naming mas maging espesyal ang mga collectible Axies. Kaya naman sa App.axie, magkakaroon ng new tags and icons ang mga collectible Axies tulad ng Summer, Xmas, at Japanese.
New Listing UI
Nag-upgrade din tayo ng listing UI para mas mapadali at simple ang pagbenta ng Axies
Ito ay umpisa palang ng mga parating na features ng ating marketplace. Alam namin na excited narin kayo sa iba pang features tulad ng offers, axie bundles, badges, at marami pang iba!
Ang bagong marketplace URL ay: app.axieinfinity.com.
Ang lumang URL marketplace.axieinfinity.com ay automatic nang mag-reredirect sa bagong link.