⚔️ [Axie] Arena Season 20! [Filipino]
Key Points
Nandito na ang Axie Infinity Season 20! Mahigit $7M USD in $AXS rewards ang pwede mapanalunan!
Wala nang SLP na pwedeng makuha sa Daily Quest. Daily quest SLP has been removed.
Wala nang SLP na pwedeng makuha sa Adventure Mode.
In-adjust ang SLP rewards sa MMR brackets.
800 MMR Rule: Makakatanggap na ng 1 SLP per win ang mga Axie Infinity Trainers na may 800 MMR pababa.
Improvements at bug fixes:
Bulkwark/Tiny Catapult and Carrot/Snail shell interaction now works as intended
Bulkwark/Tiny Catapult and Sponge/Bone Sail interaction interaction now works as intended.
Dati, umaabot sa lagpas 12 cards ang pwedeng hawak on-hand—ngayon, hindi na ito possible.
Nandito na ang pinakahihintay na Season 20! Back to 1.2K MMR ang lahat. Kasama ng release nito ang mga economic changes na nabanggit namin sa nakaraang article.
Elimination of Adventure Mode and Daily Quest Rewards (Pag-alis ng SLP Rewards sa Adventure Mode at Daily Quest)
Isa sa mga efforts na aming gagawin para ma-stabilize ang ating economy—inalis na namin ang SLP rewards na dating nakukuha sa adventure mode at Daily Quest.
Ang totoong purpose ng Adventure Mode ay maging tutorial para sa community kung paano maglaro ng Axie. Sa ngayon, hindi na maaaring kumita mula sa Adventure.
Inalis narin namin ang 25 SLP reward mula sa Daily Quest.
Ang daily quest naman ay naging isang paraan upang ma-enganyo ang mga players na maglaro araw araw. Sa kasamaang palad, naging isa itong mass emission mechanism para sa SLP. Sa pag-alis ng Daily Quest rewards, mababawasan ng total of 45 million SLP per day ang papasok sa sistema.
Pagtagal—maaari kaming magbalik ng mga quest rewards at bagong quest mechanism sa Axie: Origin. Pero ito ay posible lamang if masasabayan ng mga karagdagang ‘burning mechanisms’.

New AXS Leaderboard Rewards
300,000 na Axie Infinity trainers na ang pwedeng manalo ng $AXS rewards sa ating leaderboards para sa Season 20. Aabot na ng 117,676 ang kabuuang $AXS na ating i-bibigay bilang rewards.
Tingin namin ay magsisilbi itong pampa-gana sa competitive Axie scene at maaaring magbigay ng karagdagang demand para sa mga Arena-viable Axies sa marketplace.
Ang kabuoang prize pool para sa Season 20 ay halos 7M USD, o 350 million pesos. Ito ay isa sa pinakamalaking kabuo-ang prize pool para sa isang laro…
Ngayon lang nagkaroon ng ganito kalaking prize pool na kung saan hindi lang pro-players ang pwedeng manalo. Lahat ng Axie Infinity trainers ay may chansa makakuha ng AXS rewards. Salamat sa Ronin at sa smart contract-based technology, possible tayo makapag-issue ng ganito karaming rewards sa maramihang tao.
Bukod dito, inayos din namin ang SLP per win issuance sa iba’t ibang MMR brackets.
Makakatanggap na ng 1 SLP per win ang mga players na under 800 MMR. Magbibigay ito ng karagdagang utility sa mga mahihinang Axies at makakapag-encourage sa mga players na mag-practice at mag-improve sa game, habang may kaunti paring rewards na natatanggap.
Nagkaroon din ng advancements sa aming bot detection system kaya nagawa na naming ibalik ang SLP rewards para sa may mga mababang MMR.
Ito ang bagong MMR brackets at SLP rewards:
0-999 – 0 --> 1 SLP per win
1000-1099 – 3 SLP per win
1100-1299 – 6 --> 5 SLP per win (Rank default)
1300-1499 – 9 --> 6 SLP per win
1500-1799 – 12 --> 8 SLP per win
1800-1999 – 15 --> 10 SLP per win
2000 - 2499 - 18 --> 12 SLP per win
2500+ - 14 SLP per win
Linear Energy Gain For Axies (Energy System Rework Para sa Axies)
Tulad nang nabanggit namin sa nakaraang update, kasalukuyan naming pinag-aaralan ang pag-improve ng energy system sa Axie Infinity. Maaaring i-base ang energy sa dami ng Axies na nasa isang account. Titingnan namin ang datos mula sa Season 20 bago kami magpatuloy sa pag-implement ng ideya na ito.